Tuesday, May 12, 2009

Caught in the Middle

PROBLEMA.

Hindi naman pwedeng palagi akong nandito. May tatapusin pa din ako.

*****

Sa totoo lang, ayokong tapusin 'yung kailangan kong tapusin na ngayon. Pero kailangan kaya kinakailangang tanggapin ang pagtatapos. Marami akong mami-miss na gawain - mga bagay na pinakagusto at pinakamahal kong gawin. Lalo na, mami-miss ko 'yung mga taong nakasama ko sa maikling panahon dahil sa mga gawaing ito. :(

But I would like to think long term. It doesn't end here, DEFINITELY. No one knows what the future holds for us.

*****

'Yun nga lang, sa ngayon, kailangang magtapos na naman ang isang bagay na ayaw ko na sana matapos.

At babalik na naman sa ilang mga bagay na hindi naman siksik, liglig at nag-uumapaw ang kaligayahan at karunungan kapag ginagawa.

PROBLEMA.



"Pero ang alam ko, babalik ako sa gawaing pinakamahal kong gawin pagkatapos ng lahat ng problemang kakaharapin - at kinakaharap.

Iyon ang sinasabi ng puso ko."

0 comments: