Sunday, May 24, 2009

Insekto-phobic

Wala naman talaga akong arachnophobia.
Pero sa laki ng gagambang nakikita ko ngayon,
hindi ko na madiit ang mga paa ko sa sahig.

Pero takot talaga ako sa ipis
- maliit man o malaki, gumagapang o lumilipad.
Kaya sa nakikita kong gumagapang sa labas ng pinto,
hindi ko na alam kung papaano pa
lalabas sa kwartong ito.

Isa, dalawa, tatlo.
Patayin ang kompyuter,
i-off ang ilaw.
Kumakabog na ang dibdib ko.
Natatakot na ako.

0 comments: