Monday, July 27, 2009

Hindi Magkakilala

Kung ayaw mong may makasabay sa daan,
magmadali ka
o magbagal ka.

Kung sa pagbaba sa jeep ay may iniiwasan ka,
mauna ka
o magpahuli ka.

Kung ayaw mong makipag-usap sa isa,
umiwas ka
o magbusy-busyhan ka.

Pero kung wala naman talagang dapat pag-usapan,
huwag magmadali.
Huwag mauna.
Huwag umiwas.

Kalma.
Kunwari hindi na lang kayo magkakilala.

0 comments: