ni: Jamelle Ann Catapusan At Jett Obejas
Sa bawat simbolo, letra at salita,
may kwentong nakakubli.
At sa bawat kwentong nakakubli,
may buhay na nabubuo.
Mga tala na kumikislap
at mga ulap na umaagos
sa sayaw ng hanging amihan.
Ang ihip ng hangin ay buhay sa atin.
Ihip ng hangin na malamig
- hanggang sa lamig ay mamimilipit.
Maghahanap ng bisig na kakapit.
Kasindilim ng langit ang damdaming sakdal-pait.
Ibaon mo sa bulalakaw
ang hangad mong kumabila,
bitawan ang buhay na pinaka-iingatan,
walang mas nakasasabik sa kalabit ng kamatayan.
May pusong nag-uumapaw sa ligaya,
at may damdaming namimighati.
Katapusan ang kinukubling kwento
ng huling tuldok sa salita.
Constructed out of connected lines of responses of Jamelle and Jett, from my Facebook status "Sa bawat simbolo, letra at salita, may kwentong nakakubli."
0 comments:
Post a Comment