Wednesday, January 13, 2010

Isang Malayang Musika



Ang sarap pakinggan ng mga hampas ng alon
sa mga naglalakihang bato.
Isang magandang tinig na walang liriko.
Ang mga sitsit ng tubig ang himig
na gumagawa ng malayang musika.

Ang sarap pakinggan ng isang malayang musika.
Ito'y tutugtog, iyong sasabayan.
Sa pagsabay sa kumpas ng alon, magsasambit ng mga salita.
Mga salitang magiging liriko ng himig
hanggang mabuo ang isang kanta
- isang malayang musika.

Classical, folk o rock and roll.
ballad, jazz o acoustic.
Luma o bago, malakas o mahina.
Depende sa tunog ng pakikipagbuno
ng mga alon sa mga naglalakihang batong-dagat,
at sa himig ng iyong boses habang uma-aray
o humihiyaw sa init ng buhangin ng buhay.

Isang instrumental na himig - ang pagsitsit ng mga alon.
Isang a capella - ang liriko ng iyong kanta.
Ang paghahalo ng dalawa
- isang perpektong musika.
Nagmumula sa kalikasan at sa kaisipan.

Ang sarap pakinggan ng isang kanta.
Ang hampas ng alon, ang kapayapaan na dala
ng himig ng iyong musika.
Ang tinig kasabay ng pagsambit,
ang malayang pagkanta
- isang malayang musika.


*Photo taken June 12, 2009 at San Miguel by the Bay, SM Mall of Asia

0 comments: