Kapag ikaw ay tumutugtog
kasama ang isang banda,
isang orkestra,
- gumagawa ng musika.
Hindi mo pakikialaman ang himig
na ginagawa ng isa.
Iyo lamang pakikinggan ang tinig
ng iyong instrumento
- ang tono, taas, tining,
ang melodya, timbre.
Ang musika.
Kung ikaw ay nasa plawta,
ikaw lamang ay iihip.
Pakikiramdaman ang butas
ng mahabang bakal
na iyong pinakintab
bago ang musikang ginagawa.
Kung ikaw ay nasa piano,
aasikasuhin mo ang mga tiklado
- ang bawat kalabit ng mga daliri,
ang hampas ng mga kamay,
paa,
at braso.
Ang malamyos na letra ng himig
o ang nagagalit na ingit
dala ng iyong nagggagalaiting daliri.
Ang nasa biyolin
dinadantay ang instrumento
- malapit sa puso
kung saang nagmumula ang himig.
Ang pag-akyatbaba ng mga bisig,
ang paglangitngit ng mga naylon
sa makinis na plastik.
Paakyat-baba ang galaw ng plawta.
Kaliwa't kanan ang piyano.
Kung saan man ang biyolin.
Kapag ikaw ay tumutugtog
kasama ang isang banda,
isang orkestra
- gumagawa ng musika.
Hindi mo pakikialaman ang galaw ng iba.
'Pagkat kayo ay pare-parehong
gumagawa ng mga himig,
ng tinig.
Lumilikha ng musika
- isang obramaestra.
kasama ang isang banda,
isang orkestra,
- gumagawa ng musika.
Hindi mo pakikialaman ang himig
na ginagawa ng isa.
Iyo lamang pakikinggan ang tinig
ng iyong instrumento
- ang tono, taas, tining,
ang melodya, timbre.
Ang musika.
Kung ikaw ay nasa plawta,
ikaw lamang ay iihip.
Pakikiramdaman ang butas
ng mahabang bakal
na iyong pinakintab
bago ang musikang ginagawa.
Kung ikaw ay nasa piano,
aasikasuhin mo ang mga tiklado
- ang bawat kalabit ng mga daliri,
ang hampas ng mga kamay,
paa,
at braso.
Ang malamyos na letra ng himig
o ang nagagalit na ingit
dala ng iyong nagggagalaiting daliri.
Ang nasa biyolin
dinadantay ang instrumento
- malapit sa puso
kung saang nagmumula ang himig.
Ang pag-akyatbaba ng mga bisig,
ang paglangitngit ng mga naylon
sa makinis na plastik.
Paakyat-baba ang galaw ng plawta.
Kaliwa't kanan ang piyano.
Kung saan man ang biyolin.
Kapag ikaw ay tumutugtog
kasama ang isang banda,
isang orkestra
- gumagawa ng musika.
Hindi mo pakikialaman ang galaw ng iba.
'Pagkat kayo ay pare-parehong
gumagawa ng mga himig,
ng tinig.
Lumilikha ng musika
- isang obramaestra.
0 comments:
Post a Comment